Isa na namang kasaysayan ang ginawa ni multi-Grammy award-winning American singer at songwriter Taylor Swift matapos siyang kilalanin ng Guiness World Records (GWR) bilang unang female artist na humakot ng 100 milyong monthly listeners sa Spotify.

Sa ulat ng GWR, ibinahagi nitong nakuha ni Taylor ang kaniyang record noong Agosto 29, 2023, kung kailan din napasama sa Top 50 most played tracks ng Spotify ang kaniyang mga awiting “Cruel Summer,” “August,” “Style,” “Blank Space” at “Anti-Hero.”

“The impressive figures have earned her the record for most monthly listeners on Spotify (female),” anang GWR.

Nakatulong din umano sa pagdami ng listeners ni Taylor ang naging success ng kaniyang Eras Tour, maging ang pag-release niya ng kaniyang album na Speak Now (Taylor’s Version).

Taylor Swift, ni-release na kaniyang ‘Speak Now (Taylor’s Version)’ album

“Taylor, 33, takes the record from Miley Cyrus, whose track ‘Flowers’ boosted her to over 81 million monthly listeners in March this year,” saad ng GWR.

Samantala, ang Canadian singer na si  Abel Tesfaye, mas kilalang The Weeknd, ang nagtataglay ng kaparehong record para naman sa “male category” matapos umano niyang magkaroon ng 101.3 monthly listeners mula nitong Marso.

https://balita.net.ph/2023/03/21/the-weeknd-opisyal-nang-worlds-most-popular-artist-gwr/