Nalusaw na ang makapal na smog na bumalot sa Metro Manila nitong Biyernes dahil sa matinding pag-ulan nitong Sabado.

National

Sen. Padilla, PDP-Laban 'di matatanggap na makasuhan si FPRRD

Ito ang pahayag ni Juanito Galang, hepe ng weather division of the Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) at sinabing malaking tulong ang naging epekto sa bansa ng southwest monsoon o habagat at namataang low pressure area sa pagkawala ng nasabing polusyon sa hangin.

“So right now, we can see... that it has weakened a bit or is clearing a bit. It rained heavily this morning or last night. That's a factor that the wind is moving a bit compared to yesterday. So gradually, we will notice that it is getting clear here in Metro Manila,” ani Galang.

Muli ring nilinaw ni Galang na hindi dulot ng Bulkang Taal ang smog na bumalot sa Metro Manila at ilang lugar sa Central Luzon.

Ito aniya ay tinatawag na photochemical smog na dulot ng pollutants, katulad ng ibinubuga ng mga sasakyan at industriya.

“The geographical location of Metro Manila is still a factor. If we can see Metro Manila, it is on the edge of the valley. If we look at the map of Luzon, Metro Manila can be considered part of the valley. So, there is also a factor called… meteorological condition part, thermal inversion,” pahabol pa ni Galang.

PNA