Hindi sumusuko si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tuparin ang pangako niyang ₱20 kada kilo ng bigas, ayon kay House Speaker Martin Romualdez.

Sinabi ito ni Romualdez sa kaniyang pagbisita sa solar-powered irrigation project ng National Irrigation Administration sa Bulacan nitong Biyernes, Setyembre 22.

“Walang masamang mangarap at gumawa lahat ng paraan na ma-achieve natin ito," aniya.

Ayon kay Romualdez, maaaring gamitin ng Pangulo ang ₱10 bilyong excess collection ng Rice Competiveness Enhancement Fund (RCEF) para sa pagpapalawak ng irrigation capacity at subsidization ng farm inputs sa bansa.

Eleksyon

Comelec, nagsalita tungkol sa source code na nasa ACM

Dagdag pa niya, manipestasyon umano ito ng matatag na determinasyon ni Marcos na palakasin ang produksyon ng agrikultura upang matiyak ang matatag na supply ng pagkain para sa mas mababang presyo ng mga bilihin.

Bahagi rin umano ito ng pagnanais ng Pangulo na makamit ang pangakong ₱20 kada kilo ng bigas.

Samantala, sinabi ni Romualdez na maglalaan ang Kamara ng karagdagang ₱40 bilyong halaga ng pondo para sa mga proyektong patubig sa ilalim ng ₱5.768-trillion General Appropriations Bill (GAB) upang suportahan umano ang layunin ng Pangulo na pataasin ang produksyon ng agrikultura.