Nakaalerto na ang mga awtoridad kasunod ng pagpapasabog sa parking lot ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA)-Terminal 3 nitong Sabado, dakong 9:35 ng umaga.

Sa paunang ulat ng Philippine National Police-Aviation Security Group (AvSeGrp), isang hindi nakikilalang lalaki ang naghagis ng molotov cocktail sa parking lot ng paliparan na nagresulta sa pagkapinsala ng tatlong sasakyan.

Metro

Biktima, may phone tracker! Kawatan, natunton dahil sa nalaglag na ID niya

Walang naiulat na nasawi o nasugatan sa insidente.

Under investigation pa ng mga awtoridad ang insidente upang matukoy ang nasa likod nito.

Ariel Fernandez