Marami ang naantig sa isang senior high school teacher mula sa Northern Samar na kinarga ang anak ng kaniyang estudyante upang makapag-focus ito sa pagsagot ng seatwork nila sa klase.

Sa Facebook post ni Crescencio Doma Jr., 52, ikinuwento niya ang pagkarga ng kaniyang nag-iisang kapatid na si Teacher Rosaly Doma Mamuric, 49, sa baby ng kaniyang estudyante.

Ani Doma, dinala ng estudyante ang baby nito sa eskuwelahan dahil walang mag-aalaga at magbabantay sa kanilang bahay. Habang kalong daw ng estudyante ang baby sa gitna ng klase ay nakatulog ito, dahilan kaya’t tila hindi raw niya magawa nang maayos ang kaniyang seatwork.

Kaya naman, nagprisinta raw si Teacher Rosaly na kargahin ang baby habang ginagawa ang regular clasroom routine nito.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Proud Manoy here. Just want to share what other people might consider as an ordinary thing in the classroom. But if others are happy to see this, how much more the brother in me,” ani Doma sa kaniyang post na umabot na sa 210 shares ang naturang post.

Sa eksklusibo namang panayam ng Balita kay Doma, ibinahagi niyang anim na taon nang public teacher ang kaniyang kapatid at Earth and Life Sciences daw ang tinuturo nito sa senior high school.

Nang malaman daw ni Doma ang ginawa ni Teacher Rosaly sa baby ng estudyante nito, na-touch at naiyak daw siya kaya’t naisip din niyang i-post ito sa social media upang magsilbing inspirasyon sa iba.

“I was just proud of my sister. Bihira din lang naman ma-recognize ang mga efforts niya or even the other teachers. Wala naman sigurong masama kung sabihin ko sa mundo na proud ako sa ginawa ng kapatid ko,” saad ni Doma.

“Such a lovely scenario and a noble act. Teaching is not merely imparting knowledge to students, but leading and showing compassionate acts towards fellowmen. The world needs people like her spreading the love. Kudos to all compassionate mentors,” komento naman ng isang netizen sa naturang post.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!