Umani ng reaksiyon at komento sa mga netizen ang pasabog ng GMA News na ilulunsad na nila ang kauna-unahang Artificial Intelligence (AI) sportscaster na magbabalita ng balitang sports, sa sa pagsisimula ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 99, Linggo, Setyembre 24.

Ang nabanggit na AI sportscasters ay sina Maia at Marco, at sila ay binuo sa pamamagitan ng pagsasanib-puwersa ng GMA Integrated News (GMAIN), GMA New Media Inc. (NMI), at GMA Synergy.

Sa comment section ng balita ay makikita ang iba't ibang reaksiyon at komento ng netizens tungkol dito. Karamihan dito, tila hindi gusto ang ideyang ito.

"Ba't di na lang totoong tao?"

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

"Wow 😭 what a way to indirectly discourage Mass Com students 💔."

"One more thing, mawawalan ng opportunity na makapag trabaho yung iba."

"it's not even a good idea. sportscasting ang isa sa underrated field sa journalism."

"As Communication Graduate, nakakalungkot po. Isa ito sa madilim na bahagi ng Innovation at Technology at maging sa mga nagpapakadalubhasa sa larangan ng pamamahayag."

"Nothing to be happy about here. It's actually alarming, scary, and sad. This isn't even worth praising and I stand my ground. Technology should always be "just" an assistance to humans, not replacement to humans."

"Kala ko pa naman willing kayo mag hire ng isa pang Mike Enriquez? Where’s the uniqueness of every broadcasters kung puro AI na in the future."

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang GMA Network tungkol dito.

MAKI-BALITA: Pinakaunang AI-generated sportscasters ng ‘Pinas, ipinakilala ng GMA Network