Inaasahang magdadala ng mga kalat-kalat na pag-ulan ang dalawang low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) at southwest monsoon o habagat, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Sabado, Setyembre 23.
Sa Public Weather Forecast ng PAGASA nitong 4:00 ng umaga, inihayag ni weather specialist na huling namataan ang unang LPA 125 kilometro ang layo sa hilaga ng Iba, Zambales.
Namataan namanu mano ang ikalawang LPA naman 85 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Infanta, Quezon.
“Ang magandang balita, mababa pa rin ang tsansang maging bagyo itong dalawang low pressure area,” ani Aurelio.
“Pero dahil sa dalawang low pressure area at habagat, makakaranas pa rin tayo ngayong araw ng mga kalat-kalat na pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa,” dagdag pa niya.
Pagdating naman sa magiging lagay ng panahon sa 24 oras, inihayag ng PAGASA na malaki ang tsansang magkaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Metro Manila, mga natitirang bahagi ng Luzon, Visayas, at Zamboanga Peninsula dulot ng LPA o habagat.
Maaari umano ang pagbaha o pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar bunsod ng posibleng malakas na pag-ulan.
May tiyansa namang makaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms sa mga natitirang bahagi ng Mindanao bunsod ng habagat o localized thunderstorms.
Posible umano ang pagbaha o pagguho ng lupa tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.