Tinatayang aabot sa ₱2.5 milyong halaga ng puslit na bigas ang ipinamahagi ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa mga katutubo at iba pang benepisyaryo ng programa ng gobyerno sa Iriga City, Camarines Sur nitong Sabado.

Sa naturang rice distribution event, nanawagan ang Pangulo sa mga residente na makiisa sa mga programa ng pamahalaan, partikular na sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair na inilunsad din nitong Setyembre 23 sa Nabua, Camarines Sur.

Aniya, layunin nito na ilapit sa mamamayan ang serbisyo para sa kanilang kaunlaran at kaginhawaan.

National

Magnitude 4.2 na lindol, yumanig sa Batanes

“Ang Bagong Pilipinas ay sinasabi natin, ‘yun na nga kagaya ng nabanggit ko sa aking salita ay sinabi ko — ay ang mundo nagbago na, kailangan natin magbago rin. Ngunit ang pagbabago na dala natin ay ‘yung nasa ugali ng Pilipino. Ngayon, ang sinasabi natin ay sayang naman at napakagaling ng Pilipino,” ani Marcos

“Kung minsan ay ‘yung sistema, ang mga sektor, ‘yung mga sa trabaho, sa agrikultura, lahat ‘yan ay hindi talaga napapakinabangan ng mga husay at galing nila. Kaya’t ang Bagong Pilipinas, lahat po tayo magsama-sama. Lahat ng ating galing, lahat ng ating sipag para sa ikabubuti ng ating minamahal na Pilipinas. Iyan po ang kahulugan ng Bagong Pilipinas," dagdag pa ni Marcos.