Nadagdagan pa ang mga lugar na apektado ng volcanic smog o vog na dulot ng patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Taal.

Ito ang kinumpirma ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) chief Amor Calayan sa isang panayam sa telebisyon nitong Biyernes.

 

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Limang lugar pa aniya ang naidagdag sa apektado ng smog. Kabilang na ang Tuy, Balayan, Lian, Nasugbu at Calatagan sa Batangas, ayon kay Calayan.

 

Naobserbahan din aniya ang zero visibility sa Tuy, Balayan, Lian at Nasugbu dahil na rin sa kapal ng smog.

 

Sa ngayon, 11 bayan na ang apektado ng volcanic activity ng Taal, mula sa dating anim nitong nakaraang linggo, anang opisyal.

 

Nanawagan din ito sa publiko na sumunod sa instructions ng mga awtoridad upang maiwasang magkasakit dulot ng smog.

 

Sa ngayon aniya, isinusulong na ng pamahalaang panlalawigan ang health education, alternative learning system, paghahanda ng mga ospital at paglalaan ng badyet para sa N95 masks.