Nilinaw ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na walang kaugnayan ang kasalukuyang aktibidad ng Bulkang Taal sa smog na bumalot sa Metro Manila at mga karatig na lugar nitong Biyernes, Setyembre 22.
“The smog is not related to Taal Volcano. Instead, the vog (volcanic smog) was over areas on the western side of Taal Volcano,” mensahe ng Phivolcs sa mga mamamahayag na inulat ng Manila Bulletin.
“Phivolcs detected the vog drifting west-southwest of Taal Volcano, so (it is) not going toward Metro Manila,” saad pa nito.
Sa isa namang hiwalay na pahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nito ring Biyernes, ipinaliwanag din nito na ang meteorological condition nitong Biyernes ng umaga sa Metro Manila, CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon), at ilang bahagi ng Central Luzon ay nakatutulong para sa haze o smog formation.
“This occurs when very small particles get trapped close to the surface due to the presence of a thermal inversion, high humidity, and calm wind conditions. These floating minute particles in the air could be from smoke, pollutants, or volcanic aerosols,” anang PAGASA.
Nangyayari umano ang “thermal inversion” kapag ang malamig na hangin, na karaniwang matatagpuan sa mas matataas na lugar, ay nananatiling mas malapit sa ibabaw ng lupa kaysa sa mainit na hangin.
“Thermal inversion occurs when layers of the atmosphere don’t mix causing aerosols to get trapped. Usually, the inversion disappears later in the day as heat from the sun allows the mixing of the air, allowing the aerosols to disperse. However, cloudy conditions may reduce surface heating, allowing the haze to persist,” paliwanag pa ng PAGASA.
Nagsuspinde na ng klase ang ilang mga lugar sa bansa nitong Biyernes dahil dito.
MAKI-BALITA: #WalangPasok: Klase sa ilang lugar sa bansa, suspendido ngayong Setyembre 22
Bagama't inihayag ng mga ahensya na walang kaugnayan ang naturang smog sa aktibidad ng Bulkang Taal, naglabas ang Phivolcs ng health tips kung paano maprotektahan ang sarili dahil kasalukuyang nagbubuga umano ng volcanic smog o vog ang Bulkang Taal, na maaaring makaapekto sa kalusugan.