Nagsagawa ng coastal clean-up operation ang mga tauhan ng Coast Guard District North Western Luzon (CGD-NWLZN) sa San Fernando, La Union sa layuning luminis at maging ligtas ang karagatan sa lalawigan.

Ito ay kaugnay ng pagdiriwang ng International Coastal Clean-up, National Maritime Week 2023, Maritime and Archipelagic Nation Awareness Month (MANA Mo 2023), at 122nd founding anniversary ng Philippine Coast Guard (PCG) na ginanap sa coastal area ng Barangay San Agustin, San Fernando nitong Setyembre 16.

Kabilang sa mga nakolekta ang mga upos ng sigarilyo, boteng plastic, plastic cup, pinagbalutan ng pagkain, plastic grocery bag, tsinelas, straw, plastic bag, fishing net at foam take-out container.

Dumalo rin sa aktibidad ang mga tauhan ng Marine Environmental Protection Force-NWLZN, Operational Control Unit ng CGD-NWLZN; CG Auxiliary District-NWLZN; 704th Auxiliary Squadron, at CG Station sa La Union.