Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang pamamahagi ng kumpiskadong puslit na bigas sa General Trias City, Cavite nitong Biyernes ng umaga.

Nasa 1,200 sako ng bigas ang ipinamigay ng Pangulo sa 1,200 benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa naturang lungsod.

Aabot din sa 200 magsasaka sa lalawigan ang binigyan ni Marcos ng kagamitang pang-agrikultura.

Ang ipinamahaging bigas ay bahagi ng 42,180 sako ng smuggled rice na nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) sa Zamboanga City kamakailan.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Nitong Setyembre 19, namahagi si Marcos ng 1,500 sako ng puslit na bigas sa mga benepisyaryo ng 4Ps sa Zamboanga City at Zamboanga Sibugay.

Matatandaang tiniyak ni Marcos sa publiko na lalansagin ng pamahalaan ang smuggling sa bansa dahil naaapektuhan nito ang sektor ng agrikultura.