Inanunsyo ng Malacañang nitong Biyernes, Setyembre 22, ang pagsuspinde ng trabaho sa Executive Branch sa darating na Lunes mula 3:00 ng hapon, Setyembre 25, para umano magkaroon ng oras ang mga empleyado na makasama ang kani-kanilang pamilya at ipagdiwang ang Kainang Pamilya Mahalaga Day.

Base sa Memorandum Circular No. 32 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin nitong Miyerkules, Setyembre 21, sinuspinde umano ang trabaho sa government offices sa ilalim ng Executive Branch kaugnay ng pagdiriwang ng Family Week sa huling linggo ng Setyembre.

Gayunpaman, may pasok pa rin umano ang mga ahensya na ang mga tungkulin ay may kinalaman sa paghahatid ng mga pangunahing serbisyong pangkalusugan, paghahanda/pagtugon sa mga sakuna at kalamidad, at pagsasagawa ng iba pang mahahalagang serbisyo.

“This Office also encourages all government workers in the Executive branch to fully support the programs and activities relative to the observance of Family Week, as organized by the National Committee on the Filipino Family,” nakasaad din sa naturang memo.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Hinihikayat din umano ang lahat ng sangay ng gobyerno, independent commissions/bodies, at pribadong sektor na magsuspinde ng trabaho upang mabigyan umano ng buong pagkakataon ang lahat ng pamilyang Pilipino na ipagdiwang ang 31st National Family Week.