Pumanaw na si dating Marikina Mayor, Congressman at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chief Bayani Fernando nitong Biyernes ng hapon, Setyembre 22, sa edad na 77.
Kinumpirma ito ng asawa ng opisyal na si Marides Fernando sa Super Radyo dzBB nito lamang ding Biyernes.
Ayon sa naunang mga ulat, isinugod daw si Fernando sa Quezon City ang opisyal matapos umanong aksidenteng mahulog mula sa bubong ng kaniyang bahay.
Kaugnay nito, naglabas ng pahayag ang MMDA hinggil sa kanilang umanong pagkalungkot at pagkabigla sa natanggap nilang balita hinggil sa dating chairperson ng ahensya.
“A mechanical engineer by profession, Chairman Fernando used scientific and practical approaches in his quest to solve the problems of Metro Manila. A man of few words, Fernando is known to be a workaholic and a disciplinarian among MMDA employees,” pahayag ng MMDA.
“Under his helm, he put the MMDA in the spotlight. He was the person behind rapid bus lanes and the ‘Metro Gwapo’ campaign transforming the region into a livable metropolis. Thank you very much for your contributions. Rest now, Sir, for you already got the job done,” saad pa nito.
Matatandaang nagsilbi si Fernando bilang chairman ng MMDA mula Hunyo 5, 2002 hanggang Nobyembre 25, 2009.
Bukod dito, nagsilbi rin si Fernando bilang alkalde ng Marikina ng tatlong termino mula 1992 hanggang 2001, at naging Marikina 1st congressional district representative mula 2016 hanggang 2022.