Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang probinsya ng Cagayan nitong Biyernes ng hapon, Setyembre 22, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 5:05 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 4 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Dalupiri Island sa Calayan, Cagayan, na may lalim na 12 kilometro.

Ayon sa Phivolcs, ang naturang pagyanig ay isang aftershock ng magnitude 6.3 na lindol (na naunang itinala ng ahensya bilang magnitude 6.4) na tumama sa Calayan noong Setyembre 12, 2023.

Probinsya

Cagayan, niyanig ng magnitude 6.4 na lindol

Samantala, wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng nasabing magnitude 4.2 lindol.

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.