Bumaba ang approval at trust rating nina Pangulong Bongbong Marcos, Jr. at Vice President Sara Duterte base sa PAHAYAG Third Quarter (PQ3) survey ng Publicus Asia Inc..
Ayon sa Publicus Asia nitong Biyernes, September 22, ipinakita ng naturang survey ang makabuluhang pagbaba sa approval rating ni Pangulong Marcos, Jr. mula sa 62% noong second quarter ay naging 55%. Nagkaroon din ng pagbaba sa kaniyang trust rating mula sa 54% ay natapyas sa 47%.
Maging si Bise Presidente Duterte ay nakaranas ng pagbaba sa approval rating mula sa 67% noong second quarter ay natapyas sa 62% ngayong third quarter habang ang kaniyang trust rating ay bumaba rin sa 55% na dating 61%.
Ang PAHAYAG Third Quarter (PQ3) survey ay isinagawa noong Setyembre 7-12, 2023.