Naiulat ngayong Biyernes, Setyembre 22, ang tungkol sa smog na kumalat sa Metro Manila at sa mga kalapit ng probinsya, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) wala itong kaugnayan sa aktibidad ng Bulkang Taal.

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

Gayunpaman, naglabas ang ahensya ng health tips kung paano maprotektahan ang sarili mula sa volcanic smog dahil kasalukuyang nagbubuga umano ng sulfur dioxide (SO2) ang Bulkang Taal, na maaaring makaapekto sa kalusugan ng mga residente na malapit sa bulkan.

Anila, ang volcanic smog o vog ay binubuo ng SO2 gas at iba pang volcanic gases na humahalo umano sa atmospheric oxygen, moisture, alikabok, at sikat ng araw.

Paliwanag ng Phivolcs, maaaring maging sanhi ng eye, throat, at respiratory tract irritation ang naturang vog.

Ang mga indibidwal na may asthma, lung ailments, at iba pang respiratory disorders ay maaaring makaranas ng malubhang komplikasyon sa kalusugan bilang resulta ng kanilang “exposure” sa volcanic smog.

Narito ang ilang mga paalala at hakbang upang maprotektahan ang sarili mula sa epekto ng vog ayon sa Phivolcs:

Limitahan ang exposure

  • Lumayo sa pinanggagalingan ng volcanic gas
  • Manatili lamang sa loob ng bahay at iwasan ang paglabas upang mabawasan ang pagka-expose sa volcanic smog.
  • Isara ang mga bintana at pintuan upang maiwasan ang pagpasok ng volcanic smog sa bahay.

Protektahan ang sarili

  • Gumamit ng N95 face mask o gas mask.
  • Uminom ng maraming tubig upang maibsan ang iritasyon o paninikip ng daluyan ng paghinga.
  • Magpatingin agad sa doktor o sa barangay health unit kung kinakailangan.
  • Manatiling nakaantabay sa mga balita upang makakuha ng update tungkol sa volcanic smog.