Ibinahagi ng talent manager na si Lolit Solis na baka matupad na raw ng alagang si Paolo Contis na makabili ng sariling bahay ngayong 2023.

Ayon sa Instagram post ni Lolit nitong Miyerkules, Setyembre 20, mukhang nakapag-ipon-ipon na si Paolo dahil sa araw-araw nga naman na hosting job sa noontime show na "Eat Bulaga!" bukod pa sa mga proyekto niya sa GMA Network.

"Ang saya naman Salve ni Paolo Contis dahil baka matupad na ang pagbili niya ng dream house this year," anang Lolit sa kaniyang Instagram post.

"Suwerte siya sa Eat Bulaga GMA version dahil nagustuhan ng mga viewers ang tandem nila nila Isko Moreno at Buboy. Nakakatuwa na ang mga comedy skit nila at kung nuon para silang palengke ngayon supermarket na ang dating, hah hah. At maganda din na magkaruon ng competition ang Eat Bulaga Tito, Vic and Joey version naman dahil naging very active sila ngayon at laging present na sa kanilang programa ang tatlo. Ang mga televiewers ang panalo."

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Dagdag pa ni Lolit, bukod sa pagiging aktor ni Paolo ay nais din niyang mas mahasa pa ang hosting skills nito.

"Bongga pa pareho mga pa premyo nila, talagang palakihan. Gustong gusto ko pa na nahasa talaga ang pagiging host ni Paolo Contis kaya naman confident na siya ngayon sa harapan ng kamera pag nag interview, puwede ng ilaban kay Boy Abunda hah hah, joke joke."

"Pero walang biro marami na talagang enjoy na enjoy ngayon sa Eat Bulaga ng GMA, kaya tuwang tuwa sila Salve at Gorgy dahil abang na naman sila ng mga pa contest kung saan puwede sila sumali. Bongga."

Wala pang kumpirmasyon mula kay Paolo kung trulalu bang malapit na siyang makapagpundar ng dream house niya.