Ride-hailing company, nag-donate ng 20 motorsiklo sa MMDA
Nasa 20 motorsiklo ang naging donasyon ng isang ride-hailing firm sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa Motorcycle Riding Academy ng ahensya.
Sa social media post ng MMDA, kaagad namang pinasalamatan ni chairman Romando Artes ang chief executive officer ng kumpanya na si George Royeca sa kanyang suporta sa riding academy ng ahensya.
'Kasama sa vision ng ahensya ay ang makapagbigay ng proper training sa mga motorcycle rider, maituro ang tamang disiplina sa lansangan, at basic emergency response, lalo na at tumataas ang bilang ng motorsiklo sa EDSA," anang opisyal ng MMDA.
Ang riding academy ay matatagpuan sa bakanteng lote ng Government Service Insurance System (GSIS) sa Julia Vargas Avenue, Meralco Avenue, Pasig City, at nakatakda itong magbukas sa Setyembre 27.