Tumataginting na 25,000 dirhams o ₱386,458 kada buwan ang matatanggap ng isang Pilipina mula sa United Arab Emirates (UAE) sa loob ng 25 taon matapos umano niyang maipanalo ang grand prize sa Fast5 Emirates Draw.
Ayon sa Emirates Draw, ang laser technician na si Freilyn Angob, 32, ang pangalawang Grand Prize Winner ng FAST5 draw.
Sampung taon na umanong residente at nagtatrabaho si Angob sa UAE upang suportahan ang kaniyang pamilya sa Pilipinas.
“I will never forget that moment. I thought to myself again, maybe I won a small cash prize. But when I received the congratulatory email mentioning that I won the Grand Prize, me and my fiancé jumped from joy,” saad ni Angob.
Dahil sa financial security na maibibigay ng kaniyang pagkapanalo, matutupad na raw nina Angob at kaniyang kasintahan ang kanilang planong magpakasal.
Ang Emirates Draw FAST5 ay isa umanong weekly game na nag-aalok sa mga kalahok ng pagkakataong manalo ng Grand Prize na na 25,000 dirhams kada buwan sa loob ng 25 taon, kasama ang tatlong Guaranteed Winners ng 75,000 dirhams, 50,000 dirhams, at 25,000 dirhams.
Pipili raw ang kalahok ng lima sa 42 na bola upang magkaroon ng pagkakataong manalo at mag-uwi ng naturang papremyo.