Ibinahagi ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang larawan ng araw na nakuhanan umano ng near-Earth Solar Dynamics Observatory noong 2012. 

“Sunny, thank you for the sunshine bouquet ☀️,” saad ng NASA sa isang Instagram post kalakip ang larawan ng araw.⁣

“The largest object in our solar system – our Sun – keeps objects large and small in their orbit, affecting everything from planets to dust with its immense size and magnetic presence,” dagdag pa nito.

Paliwanag pa ng NASA, ang atmosphere ng araw, o ang corona, ay isang dinamikong lugar kung saan nagaganap umano ang malalaking pagsabog tulad ng solar flares at coronal mass ejections (CME).

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Nakuhanan naman umano ang CME noong Setyembre 2012 matapos maglakbay nang 900 miles per second (1,448 kilometers per second) ang near-Earth Solar Dynamics Observatory, na nagdulot ng paglitaw ng “aurora.”