Umapela sa publiko ang Pop Diva na si Kuh Ledesma na sana raw ay bigyan ng pagkakataon ang singer-composer na si Maegan Aguilar, anak ni Ka Freddie Aguilar, na sa kabila ng kaniyang mga problemang kinahaharap ngayon sa buhay ay hindi pa rin nawawala ang artistry.

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, sa panulat ni Robert Requintina, tinulungan pala ni Kuh si Maegan na mabigyan ng pagkakataong makakanta ulit kaya isinama niya sa kaniyang upcoming show.

"I would like to ask the people to give Maegan [Aguilar] a chance. She's the kind of person who has been through so much," ani Kuh sa isinagawang media conference sa kaniya via Zoom, para sa kaniyang upcoming concert na "I Love OPM #angNatatangingGetaway" na gaganapin sa Hacienda Isabella sa Indang, Cavite, sa darating na Setyembre 23.

Naniniwala si Kuh na bagama't nalihis ng landas si Maegan, handa na raw itong muling bumalik sa daan na kailangan niyang tahakin.

National

Abogado, nagsalita kung bakit sumuko kliyenteng si Quiboloy

"So nalihis siya ng landas. But I believe she's good enough that she's willing to change, and very much so, I believe that God is on her side, especially kung tutulungan natin siya. Mas ma-i-inspired natin siya to continue her artistry."

"Isa pa naman siyang compositor. Sayang! Maraming mga composers and artists na nagkakaproblema sa drugs and some of them have died kasi walang tumulong sa kanila. I wish that I was already a Christian when my other very close friend na musikero rin got into drugs. A musician I know was into drugs before when another close friend of mine helped this person. He was able to bounce back."

"I put her in the show because she wanted to share a new composition called 'Ama.' Ang ganda ng kanta. It's my way of encouraging her kasi parang nasa sanctuary lang siya at yung lang ang ginagawa niya," dagdag pa ni Kuh.

Hinikayat pa raw ni Kuh si Maegan na humingi ng tawad kay Senador Raffy Tulfo, na nag-alis ng tulong sa kaniya matapos niyang magpositibo sa drug test.

Dito ay kung ano-anong masasakit na salita at sumbat ang pinakawalan ni Maegan laban kay Tulfo sa pamamagitan ng Facebook Live at social media posts, na kalaunan ay binura din.

Sa labis na pagkadismaya sa mga nangyayari sa kaniya, nagsabi pa si Maegan na kapag namatay siya, walang sinuman sa mga kaanak niya ang puwedeng humawak o lumapit man lamang sa kaniyang bangkay.

MAKI-BALITA: Mga kapamilya at kaanak, bawal lapitan o hawakan bangkay ni Maegan Aguilar

MAKI-BALITA: Sen. Raffy Tulfo, inatras-tulong kay Maegan Aguilar matapos magpositibo sa droga

MAKI-BALITA: ‘I don’t need rehab!’ Maegan Aguilar, binanatan si Sen. Raffy Tulfo