Nakatakdang magsagawa ng caravan ang Department of Justice (DOJ) upang matulungan ang mga naapektuhan ng oil spill sa Mindoro noong Pebrero 28, 2023, sa kanilang insurance claims.

Paliwanag ni DOJ spokesman Mico Clavano, kailangan ang assessment ng insurance claims upang madetermina ang lawak ng napinsala sa kapaligiran na dulot ng tumagas na 800,000 litro ng industrial fuel ng MT Princess Empress sa karagatang sakop ng Naujan, Oriental Mindoro.

Probinsya

Pulis, nanggahasa umano ng 17-anyos na estudyante sa GenSan

“Para po mas accurate po ang magiging calculations natin for the claim sa IOPC (International Oil Pollution Compensation Funds)," sabi ni Clavano.

Nitong Miyerkules, nakipagpulong si Pola, Oriental Mindoro Mayor Jennifer Cruz sa mga opisyal ng DOJ hinggil sa usapin.

Nanawagan dn si Cruz sa mga naapektuhan ng oil spill na magtungo na lamang sa kanilang lugar at sa iba pang bayan kung saan isasagawa ang caravan.

“Three months iyon na pinahinto ng DOH na bawal kaming uminom ng tubig na malapit sa dalampasigan so isa 'yun sa kailangan makita doon sa pag-ki-claim,” pagdidiin pa ng alkalde.