Pinangunahan ni Mandaluyong City Mayor Ben Abalos ang idinaos na 'Kasalan sa Piitan' sa Mandaluyong City Jail nitong Miyerkules, Setyembre 20.

Ito ang kauna-unahang mass civil wedding sa loob ng piitan sa bansa kung saan 20 lalaking persons deprived of liberty (PDL) ang ikinasal sa kanilang mga iniirog, sa loob mismo ng kulungan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nabatid na sa 20 pares na ikinasal sa mass wedding ay may tatlong pares na dati nang nagsasama bago parehas na makulong.

Mayroon din namang isang bilanggo na ikinasal sa kanyang 70-taong gulang na kinakasama.

Nakiisa rin sa programa sina Vice Mayor Menchie Abalos, mga konsehal, at si Bureau of Jail Management and Penology - National Capital Region (BJMP-NCR) Director Jail Chief Superintendent Clint Russel Tangeres, CESE.

Ayon kay Mayor Abalos, ang 'Kasalan sa Piitan' ay kabilang sa 'Re-integration, Reformation Program' ng pamahalaang lungsod at ng city jail sa mga PDL lalo na iyong mga may good conduct time allowance.

Ipinaliwanag ni City Civil Registry head Atty. Gabriel Corton na ngayong legal na pagsasama ng mga PDL sa kanilang mga asawa ay mas madali nang maisasaayos ang legitimacy ng kanilang mga anak sa birth certificate ng mga ito.