Inaasahang magdudulot ng mga kalat-kalat na pag-ulan ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao ngayong Huwebes, Setyembre 21, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA dakong 4:00 ng umaga, malaki ang tsansang makaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Davao Region, Caraga, at Eastern Visayas dulot ng ITCZ.

Posible umano ang pagbaha o kaya nama'y pagguho ng lupa sa mga nasabing lugar tuwing magkakaroon ng katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan.

Samantala, inaasahang makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na may tiyansa ng isolated rainshowers o thunderstorms sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa dahil sa ITCZ o localized thunderstorms.

National

Bagong kurikulum ng DepEd, ipatutupad sa S.Y. 2025-2026

Maaari rin umano magkaroon ng pagbaha o pagguho ng lupa rito tuwing magkakaroon ng malalakas na thunderstorms.