Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Huwebes ng madaling araw, Setyembre 21, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 4:33 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 176 kilometro ang layo sa timog-silangan ng  Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 96 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Internasyonal

First American pope: Cardinal Robert Prevost, ang bagong lider ng Simbahang Katolika

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.