Tumaas ang bilang ng mga kandidato para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na naisyuhan ng show cause orders ng Commission on Elections (Comelec).
Ito’y bunsod na rin umano ng posibilidad nang pagkakasangkot sa umano’y premature campaigning o maagang pangangampanya.
Sa panayam sa telebisyon, sinabi ni Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco na sinimulan nila ang pagpapadala ng mga naturang show cause orders sa higit 1,200 kandidato matapos ang paghahain ng Certificates of Candidates (COC) para sa idaraos na halalan.
Sa naturang bilang aniya, mahigit 300 naman na ang mga kandidatong tumugon sa show cause order o nagbigay ng kani-kanilang paliwanag.
Ang BSKE ay nakatakdang idaos sa Oktubre 30, 2023.