Inanunsyo ng Ovation Productions nitong Huwebes, Setyembre 21, na magkakaroon ng concert ang iconic musical duo na Air Supply sa Santa Rosa, Laguna sa darating na Disyembre 15, 2023.

Ang naturang concert ay bahagi umano ng ongoing na “The Lost in Love Experience” tour ng Air Supply.

“Air Supply performing live at the Santa Rosa Sports Coliseum on December 15,” saad ng Ovation Productions.

Magiging available naman daw ang tickets, na nagkakahalaga ng P1,500 hanggang P5,500, simula sa Lunes, Setyembre 25 sa website ng SM Tickets.

Air Supply, magkakaroon ng 3-night concert sa ‘Pinas sa Disyembre

Matatandaang kamakailan lamang ay inanunsyo rin ng Air Supply na magkakaroon sila ng 3-night concert sa Newport Performing Arts Theater sa Pasay City simula sa darating na Disyembre 11 hanggang 13, 2023.

Huling nag-concert ang Air Supply sa Pilipinas noong Disyembre ng nakaraang taon upang ipagdiwang ang kanilang 45th anniversary.

Kilala ang Air Supply sa kanilang hit songs, kabilang na ang “Here I am,” “The One That You Love,” “Come What May,” “All Out of Love,” at “Come What May.”