Natapos na ng National Printing Office (NPO) ang pag-iimprenta ng mga opisyal na balota na gagamitin ng Commission on Elections (Comelec) para sa nalalapit na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Nabatid na itinurn-over na ng NPO sa Comelec nitong Huwebes ang certification of completion para sa pag-iimprenta ng 92,054,974 balota, gayundin ang iba pang accountable forms para sa halalan.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Bukod dito, nakapag-imprenta na rin umano ang NPO ng kabuuang 2,092,147 official ballots para sa plebisito upang ratipikahan ang conversion ng City of San Jose Del Monte, Bulacan bilang isang highly-urbanized city (HUC).

Ang 2023 BSKE at ang naturang plebisito ay kapwa nakatakdang idaos sa Oktubre 30, 2023.