Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita at nagkuwento sa kaniyang panig ang National Artist for Film and Broadcast Arts at premyadong manunulat na si Ricky Lee kaugnay ng insidenteng hinarang siya ng marshal ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, sa naganap na Manila International Book Fair (MIBF) sa SMX Convention Center, Pasay City kamakailan.

Kitang-kita at hagip sa video na hinarangan ng marshal si Ricky matapos nitong kamayan at batiin si Pia, na nasa MIBF din para sa launching ng kaniyang isinulat na aklat na "Queen of the Universe: A Novel."

Makikitang inabot naman ni Pia ang kamay ni Ricky subalit hindi na ito nakahinto dahil humarang na nga ang marshal.

Palagay ng mga netizen, hindi nakilala ng guwardiya ang National Artist. Nagngitngit ang kanilang kalooban dahil feeling nila, nabastos nang bonggang-bongga ang award-winning writer.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Sa panayam ng Philippine Entertainment Portal o PEP kay Ricky, pinagtanggol naman ng manunulat si Pia at ikinuwento ang kontekstong baga pa man maganap ang nabanggit na insidente ay nagkasama pa sila sa lunch ng beauty queen at nagkapalitan pa sila ng kani-kanilang mga aklat.

Ang katotohanan niyan, dumalo pa raw si Ricky sa isang programa kung saan magsasalita na si Pia. Inacknowledge pa raw siya ng host at nang audience at nagbigay-pugay pa sa kaniya.

Sa kaso naman ng marshal, sana raw ay kesehodang National Artist o hindi, senior man o bata, sikat man o karaniwan, ay hindi sana ganoon ang treatment niya.

As is, batay sa naging pahayag ni Lee mula sa panayam at ulat ng PEP, "Hindi kinakailangan na senior or hindi kinakailangang National Artist. Pero kung may taong nilapitan din ni Pia, kinamayan pa ni Pia, respetuhin niya 'yong tao at si Pia, kasi kilala ni Pia.

“Pero hindi niya kailangang hawiin kasi si Pia mismo ang lumapit at nakipag-usap."

"So, kawalang respeto yon hindi lang sa akin kundi kay Pia. Hindi in-acknowledge ng guard na in-acknowledge ako ni Pia."

"Again, ulitin ko, hindi dahil senior citizen, hindi dahil National Artist."

"I think maski na sinong tao, maski na bata o estudyante, kung in-acknowledge ni Pia, kinausap at pinasalamatan, huwag niyang itaboy. Iyon ang punto ko."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang pamunuan ng MIBF o maging ang nasasangkot na marshal kaugnay nito, gayundin si Pia. Bukas ang Balita para sa kanilang panig.

MAK-BALITA: Video ng pagharang ng marshal ni Pia Wurtzbach kay Ricky Lee, usap-usapan