Isang taga-Rizal ang pinalad na magwagi ng tumataginting na milyun-milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na binola nitong Martes ng gabi.

Sa abiso ng PCSO, nabatid na matagumpay na nahulaan ng lucky winner ang six-digit winning combination na 07-10-09-13-21-19 ng UltraLotto 6/58 na may katumbas na kabuuang jackpot prize na P77,455,718.40.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Nabili umano ng lotto winner ang kanyang lucky ticket sa Binangonan, Rizal.

Upang makubra ang kanyang premyo, kinakailangan lamang ng lucky winner na magtungo sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at iprisinta ang kanyang lotto ticket at dalawang balidong IDs.

Nagpaalala naman ang PCSO na ang lahat ng premyong lampas sa P10,000 ay sasailalim sa 20% buwis, alinsunod sa TRAIN Law.

Ang lahat naman ng premyong hindi makukubra sa loob ng isang taon, buhat sa petsa nang pagbola dito, ay otomatikong mapo-forfeit at mapupunta sa Charity Funds ng PCSO.

Kaugnay nito, muli namang hinikayat ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades ‘Mel’ Robles ang publiko na patuloy na tangkilikin ang mga palaro ng PCSO upang magkaroon na ng pagkakataong maging susunod na milyonaryo at makatulong pa sa kawanggawa.

Ang Ultra Lotto 6/58 ay binubuola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.