Inamin ni Kapuso actor Mikael Daez sa podcast nila ng kaniyang asawang si Megan Young kasama si Dingdong Dantes nitong Martes, Setyembre 19, na nagsimula umano siya sa industriya na walang alam sa pag-arte.
Napag-usapan kasi ng tatlo ang mga batang co-actor nila sa whodunit series na “Royal Blood” ng GMA Network. Hindi nila maiwasang humanga sa mga ito dahil sa ipinapakitang husay sa set na bunga umano ng acting workshop na wala noong panahon nila.
Kaya ang tanong ni Dingdong kay Mikael, “Pero ikaw, wini-wish mo ba na sana nagawa mo ‘yun [acting workshop]?”
“To be honest, if the opportunity was there I would have taken it. And I only say that because I really came from zero,“ sagot ni Mikael.
Dagdag pa niya, “I didn’t know what it [acting] was, e. I was never exposed to it. So coming from zero, sobrang maa-appreciate ko sana kung binigyan ako ng opportunity…kasi willing talaga ako, e”.
Pero sa kabila n’on, hindi naman umano winawalang-halaga ni Mikael ang kaniyang naging journey bilang artista sa loob ng mahabang panahon.
At tila nagtagumpay naman si Mikael na ma-improve ang craft niya in terms of acting dahil kamakailan lang ay umani ng papuri ang karakter ni Kristoff na ginagampanan niya sa “Royal Blood”.
https://twitter.com/KapusoTalks/status/1702707343165927736