Ibinahagi ng tinaguriang “The Voice” na si Jed Madela sa kaniyang Facebook account nitong Martes, Setyembre 19, ang isang school kung saan ginawang section ang kaniyang pangalan.
“In times when I feel so unimportant and ignored in one corner, my Lord picks me up and gives me the tightest hug,” saad ni Jed sa caption ng kaniyang post.
“I am so honored. Woke up to these photos sent my [my] friend Manduyog Rashid,” dagdag pa ng singer.
Lubos ang pasasalamat ni Jed sa faculty at mga estudyante ng Grade 1-Jed Madela. Wish umano ni Jed na makabisita sana siya sa mga ito sa mga darating na araw. Matatagpuan ang nasabing section sa Albert Einstein School sa Cotabato City.
Narito naman ang komento ng ilang netizen sa post ni Jed:
"Wow..you should visit the school or sponsor some of their activities. This is great!"
"Nice!! 👏👏👏"
"Manong, this is priceless. Wow"
"Marami nagmamahal sayo. God bless"
"Ummm you are never unimportant! And you will never be ignored!!"
Matatandaang kamakailan ay ibinahagi rin ni Jed ang pangarap niyang magkaroon ng coffee shop.
MAKI-BALITA: Kapamilya singer Jed Madela, nag-manifest ng isa pang dream