Kinondena ng Department of Education (DepEd) ang pamamaril sa isang principal sa pampublikong paaralan sa Sto. Tomas North, Jaen, Nueva Ecija nitong Martes, Setyembre 19.

"The Department of Education (DepEd) vehemently condemns the shooting of a public school principal in Sto. Tomas North, Jaen, Nueva Ecija.

“The Department is coordinating with the concerned field offices and the police to apprehend the perpetrators of this brutal crime.

Dagdag pa ng ahensya, “We denounce any acts of injustice towards our personnel, learners, and stakeholders. We maintain and advocate that our schools and communities remain as zones of peace for every Filipino.”

National

First Family bumati sa buong bansa; 'Ang Pasko ay pamilya'

Ayon sa ulat, pitong beses umanong binaril ng mga suspek na riding-in-tandem ang biktima na kinilalang si “Reden Daquiz” na papasok na sana noon sa gate ng paaralang pinagtatrabahuhan.

Nagawa pa umano ng principal na makababa sa kaniyang sinasakyang SUV para humingi ng tulong sa mga gurong naroon sa paaralan.

Sa kasamaang palad, nakatakas ang mga suspek.

Sinuspende naman ang buong klase sa Sto. Tomas North Elementary School dahil sa nangyari.