Pinag-usapan nina Cristy Fermin, Romel Chika, at Wendell Alvarez ang Kapamilya star na si Ivana Alawi nitong Martes, Setyembre 19, sa kanilang show na “Showbiz Now Na”.

Sigurado raw kasi na lalong tataas pa ang dati nang mataas na ratings ng “FPJ’s Batang Quiapo” sa pagpasok ni Ivana sa eksena.

Ang sey nga ni Cristy: “Alam n’yo naman po si Ivana Alawi, maglaba lang nang nakabukaka, ilang milyon na ang views… At siya po ay bahagi ng basang panaginip ng mga kalalakihan”.

Base pa sa kaniyang matalinghagang paglalarawan, ang mga lalaki raw ay nagmimistulang ibon na bumababa sa sanga kapag nakikita ang aktres.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

“Makita lang si Ivana Alawi e ang mga ibon na kumakanta-kanta, bumababa sa sanga at nakatanaw lang sa kaniya.”

Kaya hindi maitatanggi na kahit saan pa man tangayin si Ivana ng agos ng buhay, talagang laging winner ang aktres.

Iba talaga ang beauty ni Ivana!

Matatandaang kamakailan lang ay ginawan pa siya ng bakod ng isang lalaki kung saan bawal umanong umihi ang lahat doon maliban sa kaniya.

MAKI-BALITA: Ivana Alawi, game na game ‘umihi’ sa bakod – Balita

&pp=ygUOc2hvd2JpeiBub3cgbmE%3D