Hindi raw akalain ng aktor na si Benj Manalo, mister ni Lovely Abella, na may ibabago pa pala at mas may isasaya pa ang buhay niya nang isilang ng misis ang kanilang panganay na si Baby Liam Emmanuel.

Sa kaniyang mahabang Instagram post noong Martes, Setyembre 18, binigyang-pugay ni Benj ang kaniyang misis na si Lovely, na noong nagsimula raw ang relasyon nila way back 2015, ay nagbago na ang kaniyang buhay.

"Sept 15, 2023 8:08pm my life has changed and I'm so happy. Thank you Lord God!" panimula ni Benj.

"Nung nag simula relation namin ng asawa ko back 2015 nag bago na buhay ko, pero di ko inakala na mag babago at mas magiging masaya pa lalo ngayon. Kala ko dati okay na kami sa 2 naming anak, pero ngayon naging 3 na sila, grabe 🥹😭 hindi ko ma explain ang saya sa puso ko at lagi lang ako nag papasalamat kay Lord na binago niya ang buhay ko. Parang lahat nalang ngayon iniiyakan ko sa saya," aniya.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

"Nakita ko ang buong process from month 1 hangang manganak ang asawa ko, sabi ko gusto ko lagi akong nandun. I wanna be present as a father and as a husband. Nung mga oras na manganganak na asawa ko, mas nagiba ang respeto ko sa asawa ko at sa mga nanay. Naisip ko, wala akong karapatan mag reklamo na pagod ako kasi sila nga grabe ang pinag dadaanan pero laban. Mas naging idol ko ang asawa ko at mas lalo ko siya pinahalagahan. Sabi ko nga kay Lord, thank you at binuksan mo ang bagong lente ko sa buhay on how i see life nanaman in a different perspective, sabi ko bigyan niya ako ng lakas at wisdom thru His word sa bible para maging mabuting tatay at asawa ako. Hay ang sarap sa puso."

"To my wife @lovelyabella_ thank you so much! You are indeed a super mom! Thank you for being strong and inspirational to me and our family. I love you so much!"

"To my baby prince Liam Emmanuel, daddy will always be here for you, to love, teach, play, be your best friend and to protect you at all cost. Thank you for coming into our lives. Papa, mama, ate and kuya loves you so much! We cant wait to create memories with you by baby boy! Love you!"

Sa ngayon ay tatlo na ang anak ng mag-asawa. Si Lovely ay may anak na rin na babae na si Crisha at si Benj naman ay may anak na rin na si Nathan.

Makikita naman sa Instagram post ni Lovely ang pag-repost niya sa pa-tribute sa kaniya ng mister.

Enero 22, 2023 nang ibahagi ng mag-asawa ang tungkol sa pagbubuntis ni Lovely.

"2023, sabi nila swerte ako kasi year of the rabbit ako, pero mas kumapit ako sa promise ni Lord samin," ani Benj.

"This is the best wedding anniversary gift samin ni Lord! Wohoooo!!! 🥺🥺🥺."

"Yes finally after many years of trying, we are now having a baby," aniya pa.

Ibinahagi pa ni Benj na kaya hindi kaagad sila makabuo ni Lovely ay dahil mababa ang sperm count niya.

View this post on Instagram

A post shared by Benj Manalo (@benj)