Ibinahagi ni Vice President Sara Duterte ang kaniyang sinabi sa Memorandum of Agreement signing na ginanap nitong Lunes, Setyembre 18, sa Palacio del Gobernador sa Intramuros, Manila.

Ayon kay VP Sara, layunin umano ng Memorandum of Agreement (MOA) na protektahan ang mga guro na maglilingkod para sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

“Bilang Secretary of Education, nais kong masiguro na mabibigyan ng angkop na proteksyon at suporta ang ating mga guro na nagsasakripisyo para maisagawa ng matagumpay ang halalan sa ating bansa,” pahayag niya sa caption ng kaniyang post.

Dagdag pa niya, “nagsisilbi ang mga guro sa eleksyon sa kabila ng mga panganib na hinaharap nila. Wala akong natatandaan na eleksyon na walang insidente ng pananakot, pananakit, pang-aatake sa mga guro at sa kanilang mga pamilya”.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Ginagawa umano iyon ng kaguruan dahil sa pagmamahal ng mga ito sa bansang Pilipinas.

Sa huli, pinasalamatan ng bise-presidente ang mga nakasama niya sa nasabing MOA signing na sina Commission on Elections chair George Erwin Garcia at Public Attorney’s Office head Atty. Persida Acosta.

Matatandaang sinigurado kamakailan ng Commission on Election (COMELEC) na matatanggap on time ng mga gurong magsisilbi sa eleksyon ang kanilang honoraria.

Nakatakdang idaos ang Barangay at SK Elections sa Oktubre 30, 2023.

MAKI-BALITA: Comelec, handang-handa na sa BSKE sa Oktubre

MAKI-BALITA: BSKE 2023: ‘Honoraria ng mga guro, ibibigay on time’ — Comelec