Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Hiniling na ni Mayor Josefina Belmonte na magkaroon ng reporma sa Bureau of Fire Protection (BFP) sa Quezon City kasunod na rin ng insidente ng sunog sa Barangay Tandang Sora nitong nakaraang buwan na ikinasawi ng 15 katao.

Natuklasan din sa imbestigasyon na naging maluwag ang Quezon City Fire District (QCFD) sa pagganap ng kanilang trabaho matapos mabigong magsagawa ng inspeksyon sa mga business establishment sa lugar.

 Matatandaang nanawagan si Belmonte na sibakin sa puwesto ang dalawang mataas na opisyal ng QCFD matapos ang insidente.

 Kabilang sa dalawang opisyal sina Fire Marshall Senior Supt. Aristotle Bañaga at QCFD Fire Prevention Branch chief, Fire Chief Insp. Dominic Salvacion.

Sa pag-aaral ng city government, marami ang naitatalang nasawi, nasugatan at pinsala sa sunud-sunod na insidente ng sunog sa nasabing lugar kumpara noong 2023.