Inaprubahan ng House of Representatives ang panukalang batas na nagdedeklara sa lalawigan ng Pampanga bilang "Christmas Capital" ng Pilipinas.
Nakakuha ng 250 affirmative votes ang House Bill (HB) No. 6933 sa isinagawang plenary session nitong Lunes, Setyembre 18.
Nagkaisang bumoto ang Kamara kasama ang 250 mambabatas upang aprubahan ang House Bill (HB) No. 6933 na pangunahing inakda ni Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio "Dong" D. Gonzales, Jr.
“The Christmas season here in the Philippines is made extra special every year by the kapampangans who take pride in their famous and vibrant tradition of lantern-making,” saad ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez nang maaprubahan ang panukalang batas.
“Their excellent craftsmanship to honor the birth of Jesus Christ surely contributed to the robustness of the local economy and the promotion of the province as a cultural tourism destination. It is only fitting that we formalize Pampanga’s legacy as the Christmas Capital of the Philippines now, as it continues to brighten the season of giving each year,” saad naman ni Gonzales.
Hindi lingid sa kaalaman ng mga Pinoy na sikat ang Pampanga sa mga naglalakihan at naggagandahang mga parol.
Isa sa mga taunang aktibidad ng probinsya ay ang Giant Lantern Festival o Ligligan Parul na ginaganap tuwing kalagitnaan ng Disyembre sa San Fernando City.