Kakasa ka ba sa “paghilata” nang matagal para sa premyong nagkakahalaga ng 1,000 euros o mahigit ₱60,000?

Pitong kalahok ang mahigit 30 araw na umanong nakahiga sa kama para magwagi sa taunang “search for laziest citizen” sa Montenegro, isang bansa sa Europe.

Simple lang naman daw ang rules para manalo sa “laziest citizen” contest na isinagawa sa isang resort village sa Brezna sa northern Montenegro.

Pwedeng matulog, mag-gadget, magbasa ng libro, at kung ano pang nais ng mga kalahok. Bukod dito, pinapakain din sila nang tatlong beses sa isang araw.

Human-Interest

10 anak napag-aral sa kolehiyo ng mga magulang sa pagtitinda ng fishball, balut

Ngunit ang catch? Dapat gawin nila ang lahat ng ito habang nakahiga.

Ito ay dahil kapag bumangon, umupo o tumayo kahit sandali ang kalahok, awtomatikong eliminated na siya sa naturang patimpalak.

Samantala, binibigyan naman daw ang mga kalahok ng 10 oras na bathroom break kada walong oras.

Kung sino naman ang mananaig at matitirang nakahilata sa gitna ng patimpalak, siya ang mananalo at mag-uuwi ng premyong tumataginting na 1,000 euros o mahigit ₱60,000.

Ayon umano sa may-ari ng resort, nagsimula ang “search for laziest citizen” 12 taon na ang nakakaraan upang gawing katatawanan ang mito na tamad umano ang mga mamamayan ng Montenegro.

Agosto 18 naman daw nang simulan ang patimpalak para sa taong ito, kung saan 21 ang kanilang naging kalahok. Ngunit makalipas ang isang buwan, habang sinusulat ito’y pito na lamang ang matitibay na natitira at nananatiling “nakahilata.”