NUEVA ECIJA — Nasamsam ang halos ₱400,000 halaga ng shabu mula sa isang high-value target (HVT) na arestado sa isinagawang joint anti-illegal drug buy-bust operation sa Purok 1, Barangay Cruz Roja, Cabanatuan City, Nueva Ecija nitong Martes, Setyembre 19.

Humantong ang anti-illegal drug buy-bust operation sa pagkakaaresto sa isang 41-anyos na lalaki, na itinuturing na HVT.

Nakumpiska mula sa suspek ang humigit-kumulang 58 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang Dangerous Drugs Board Value na ₱394,400.

Isiniwalat naman ng suspek na taga-Metro Manila ang kaniyang supplier, at nasa Cabanatuan City umano ang kaniyang area of ​​operation.

Probinsya

Hinihinalang adik, umatake sa ilang bahay sa Cebu; maglola patay, 3 sugatan

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng operating unit ang suspek, at sasampahan umano siya ng kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).