Matapos maulila sa mga magulang, may payo para sa lahat ang Kapamilya singer na si Erik Santos.

Ibinahagi ni Erik sa kaniyang verified Facebook account ang isang ulat at panayam sa kaniya ng ABS-CBN tungkol sa pag-spend ng oras sa mga magulang habang sila ay nabubuhay pa.

"Sa mga kumpleto pa 'yong magulang, spend time with your parents," ani Erik.

Kung tatanungin daw ang singer kung may regrets o pagsisisi siya, wala raw siyang kahit na anong pagsisisi dahil alam daw niya sa sarili niyang ibinigay niya ang best niya para sa mga magulang na halos magkasunuran lamang pumanaw.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nasamahan daw ni Erik ang mga magulang niya mula umpisa hanggang sa malagutan sila ng hininga.

"Kasi if you would ask me kung may regrets po ako, wala po akong regrets. Kasi I took care of them. I have given them mas sobra pa doon sa pangangailangan nila. At nasamahan ko po sila from the very beginning of my life hanggang sa last breath nila. I was there. I witnessed the death of both my parents," mababasang pahayag ni Erik.

Sa caption ng kaniyang Facebook post matapos niyang ibahagi ang ulat tungkol dito, muli niyang iginiit ang tungkol sa paglalaan ng oras kasama ang mga magulang.

"Spend time with your parents," aniya.

Matatandaang ang kaniyang Nanay Litz ay pumanaw noong Nobyembre 2022 na iginupo ng malalang karamdaman.

Wala pang isang taon ang nakalilipas, ngayong 2023, ang kaniyang ama naman ang pumanaw na kagaya rin sa sakit ng kaniyang ina.

Kaya sa naging pagdiriwang ng kaniyang 20th anniversary sa showbiz sa "ASAP Natin 'To," hindi napigilan ni Erik na mapaiyak nang maalala ang kaniyang mga magulang.

Inalo naman siya ng icons na kasama niya sa entablado gaya nina Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez-Alcasid.

MAKI-BALITA: Kapamilya singer Erik Santos, nagluluksa sa pagpanaw ng kaniyang Nanay Lits

MAKI-BALITA:  Ama ni Erik Santos, pumanaw na

MAKI-BALITA: Erik Santos, emosyunal sa kaniyang 20th anniversary sa showbiz