Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang probinsya ng Davao Oriental nitong Martes ng tanghali, Setyembre 19, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 12:32 ng tanghali.

Namataan ang epicenter nito 126 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Governor Generoso, Davao Oriental, na may lalim na 1 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

SP Chiz, pinatutsadahan si Guo: 'Wala siya sa lugar...'

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.