Inihayag ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Martes, Setyembre 19, na 33.41% o 615 sa 1,841 examinees ang nakapasa sa September 2023 Agricultural and Biosystems Engineer Licensure Exam (AELE).

Sa inilabas na resulta ng PRC, kinilala si Lee Henry David Castro mula sa Bataan Peninsula State University – Abucay bilang topnotcher matapos siyang makakuha ng 84.03% score.

Hinirang naman bilang top performing school ang Central Bicol State University of Agriculture matapos itong makakuha ng 100% passing rate.

Isinagawa umano ang naturang pagsusulit mula Setyembre 14 hanggang 15, 2023 sa mga testing center sa National Capital Region (NCR), Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Koronadal, Legazpi, Lucena, Rosales, Tacloban, at Tuguegarao.

National

Hiling ni Quiboloy na ilipat sa kustodiya ng AFP, ibinasura ng korte

Ayon pa sa PRC, nakatakdang maganap ang online appointments para sa issuance ng Professional Identification Card (ID) at Certificate of Registration sa Oktubre 25 hanggang 27, 2023.