Balitang-balita ang pamimigay umano ng ayuda ni Unkabogable Star at "It's Showtime" host Vice Ganda sa maaapektuhang staff ng kanilang show kung sakaling hindi umubra ang pag-apela ng pamunuan ng show at ABS-CBN sa 12 airing day-suspension ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB.

Ayon sa mga kumakalat na ulat na mula naman sa tsikahan nina "Kapitana Sisa" at "Tita Cora" ng isang radio station, sa segment na "The Baklitas," napag-alamang nagpatawag daw ng emergency meeting si Vice Ganda kasama ang staff upang sabihin sa mga ito ang kaniyang assistance kung sakaling matuloy ang suspensiyon sa show.

"Ang sabi daw, ayon sa tsismosang kapitbahay... inihahanda na nga raw niya ang kaniyang staff para sa napipintong 12 days na suspensyon," anang Kapitana Sisa.

"Ang nasagap natin, ay mukhang yung buong staff na maaapektuhan ng 12 days na hindi sila eere, mukha yatang si Meme Vice ang mamimigay ng ayuda para sa mga tao."

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Hindi naman daw saklaw nito ang mga co-hosts niya.

May hanggang Setyembre 19 pa raw inaasahang eere ang It's Showtime dahil pasok pa ito sa window period na 15 araw na pag-apela hinggil sa nabanggit na suspensiyon.

MAKI-BALITA: It’s Showtime aapela pa sa desisyon ng MTRCB

Samantala, wala pang tugon, kumpirmasyon, o pahayag si Vice Ganda o ang pamunuan ng It's Showtime o ABS-CBN tungkol dito.

&t=277s