Usap-usapan ang naging panayam ni George Royeca, CEO ng isang sikat na ride hailing and delivery app, kay Unkabogable Star Vice Ganda, sa vlog series na 'PasaHero with Mister Angkas."

Bahagi ng vlog ang pag-ungkat sa nakaraan ni Vice noong hindi pa siya ganoon kasikat, bilang isang stand-up comedian. May nakapagsabi raw sa kaniyang isa sa mga boss ng ABS-CBN na kaya siya matagumpay ngayon ay dahil sa husay niyang mag-manage ng sarili. Kahit na wala raw siyang manager ay kayang-kaya raw niyang mamayagpag.

"You act like a manager," sabi raw sa kaniya.

"You know how to manage yourself, your career. Kahit nga wala kang manager kaya mo na eh," dagdag pa raw.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

"Ang negosyo ko ay 'yong sarili ko. Wala naman akong ibang ninenegosyo eh," paliwanag pa ng komedyante. "Kailangang mag-adapt at mag-evolve sa need at hype."

Natanong ni George si Vice kung ano ang pananaw niya tungkol sa pagkakaroon ng "manager" ng isang talent o artista.

“You were talking about you being your own manager. I want to bring up something that’s very Filipino, and I wanna get your thoughts on it. ’Yong hiya, ’di ba, kaya ka may manager is minsan 'yong talent, nahihiya presyuhan 'yong sarili niya eh. Nahihiya mag-push ng deal. Nahihiya na i-manage 'yong sarili niya kasi baka mapikon 'yong producer. Ano 'yong mindset mo do’n? Paano ka nagkaroon ng ganoong klaseng confidence?," usisa ng CEO sa "It's Showtime" host.

"Sa simula kailangan mo talaga ng manager," sagot ni Vice.

"You will need someone to represent you. And in order for you to professionalize it. Kasi 'di ba parang hindi legit, parang hindi professional ang approach kung wala kang manager. Totoo ’yon eh, 'yong abutan ng pera, nakakababa ’yon ng pagiging artist mo kapag binibilangan ka ng talent fee at saka ’yong tinatawaran ka,” wika ni Vice.

“Dati meron akong raket na hindi ko nakuha kasi maldita daw ako, sabi nilang ganon. Kasi tinanong ako, ‘Magkano ka ba sa raket, 2 hour show.’ Ganiyan. Sabi ko, ‘Ah ano po, ₱15,000.’ Tapos sabi, ‘Ay puwede bang tumawad?’ 'Ay hindi po kasi natatawaran kasi ‘yong talent’, sabi kong gano'n."

“Kasi ang puwede mo tawaran ’yong oras, iiksian natin 'yong oras, pero ’yong talent, hindi mo puwede tawaran."

“So pag binayaran mo ba ako ng ₱5,000, babawasan ko 'yong jokes ko? Pag binawasan mo ba ako ng ₱5,000, ninipisan ko lang 'yong blush-on ko? It’s the same level of fun, it’s the same jokes, it’s the same level of beauty ang ibibigay ko sa inyo, so hindi n'yo puwedeng tawaran,” giit pa ni Vice.

Dito rin ay sinabi ni Vice na naniniwala siyang hindi na niya masukat kung gaano siya kayaman ngayon.

Pero paglilinaw ng Unkabogable at Phenomenal Box-Office Superstar, marami kasing depinisyon ang pagiging mayaman, hindi lamang sa pera, kundi sa iba't ibang aspeto gaya ng mga kaibigan, pamilya, at iba pa.