Nakarating na sa beteranang aktres na si Susan Africa ang mga papuri, posts, at memes ng mga netizen tungkol sa kaniyang "nakaahon-ahon" roles matapos mag-trending ang biglang pagyaman ng kaniyang karakter sa seryeng "FPJ's Batang Quiapo," na ipinasilip sa official trailer ng second season nito.

Na-excite ang mga netizen kay Susan dahil finally raw, mukhang "nakaahon" na ito sa mga karaniwang roles na "api-apihan" o mahirap.

Hindi na raw siya ang nanay na kadalasang "inuubo-ubo" o kaya naman ay may malubhang sakit.

Nag-post din tungkol dito ang batikang ABS-CBN writer na si Jerry B. Grácio.

Internasyonal

Mga Pinoy na ilegal na naninirahan sa Amerika, binalaan ng PH Ambassador

"In fairness, sa trailer ng bagong yugto ng #FPJsBatangQuiapo, mukhang mayaman ang role ni Susan Africa. Bongga na nakaahon-ahon na si Madam mula sa kanyang api roles."

"Jusko, ang galing-galing ni Susan, huwag natin siyang ikahon sa mga karakter na lagi na lang may TB," anang Jerry.

Sang-ayon naman dito ang mga netizen.

"OMG TAPOS LAGING NAKA-DASTER!!! SHE'S THE EPITOME OF POOR MOMMA OF PINOY SERYES HAHAHAHAHA."

"I also feel like she has been shortchanged for a long time. Underrated siya masyado. I’m glad for this change."

"Lagi kasi roles niya: yaya, maid, mahirap, aping-api, etc."

"First time niya ngang hindi nagkasakit sa Dirty Linen. Haha."

"Mula nang napanood ko siya sa Mara Clara parang iilang beses lang siya hindi naging mahirap. I'm happy Doña na siya at walang sakit."

"New era of Susan Africa! Refreshing na makita naman ang akting na mayaman niya."

MAKI-BALITA: Susan Africa ‘nakaahon-ahon’ na raw sa api-apihan roles

Si Susan Africa ay sumikat sa pagganap bilang "Susan" sa soap operang "Mara Clara" noong 90s.

Simula noon ay lagi na ngang gumaganap si Susan bilang isang ina, kasambahay, o titang mahirap o maysakit.

Sa nagtapos na "Dirty Linen" ay gumanap siyang nanay ng karakter ni JC Santos.

Sa panayam naman ng One Balita Pilipinas kay Susan, maging siya ay nagulat nang malamang pinag-uusapan siya ng mga netizen sa online world.

Bagama't nagpapasalamat si Susan dahil hanggang ngayon ay naaalala pa rin siya ng mga tao sa markadong pagganap sa "Mara Clara" bilang si "Susan," nanay ni Clara na madalas na inaapi ni "Gary," paglilinaw niya ay nakaganap na siya noon ng "mayaman roles" sa serye at pelikula, kung saan nagawaran siya bilang Best Supporting Actress sa Metro Manila Film Festival o MMFF.

Sa seryeng "My Dear Heart" ng ABS-CBN at "The Sisters" ng TV5 ay middle class daw ang role niya roon. Ang pelikulang "Olongapo... The Great American Dream" ang nagpanalo sa kaniya ng award sa MMFF para sa role na mayaman at kontrabidang mamasan.

"Sobra akong nagulat po, kasi no'ng napanood ko yung trailer, sabi ko 'Split second lang 'yon,' 'di ba? Gano'n kabilis. And then no'ng nakita kong... minemessage na 'ko ng mga friends ko, 'Uy trending ka na...' 'Ha? Bakit?' Nabasa ko yung comments, tawa ako nang tawa," aniya.

Natutuwa raw siya sa magagandang feedback ng Batang Quiapo at sa patuloy na pagtaas ng TV ratings at live concurrent views nito gabi-gabi.