Kinapanayam ng Philippine Entertainment Portal o PEP ang aktres na si Sam Pinto sa ginanap na Preview Ball 2023 kamakailan.

Ang pagdalo ni Sam sa nasabing event ang kaniya umanong comeback sa mga media event matapos ang anim na taong pamamahinga simula nang manganak. Kaya isa sa mga naitanong sa kaniya ay ang kaniyang insecurities.

“A lot of moms opened up about having insecurities. Pregnancy and motherhood. Did you also have those?” tanong kay Sam.

“Of course. I think everyone has those. Mine was like, when I, ‘yung after giving birth talaga, ang taba-taba ko. I think that was so depressed,” sagot ng aktres.

Metro

₱45 per kilong bigas, mabibili na sa NCR simula Nobyembre 11

Dagdag pa niya, kung iniisip umano ng marami na ang panganganak ang pinakamahirap na bahagi ng pagbubuntis, nagkakamali sila. Dahil kung may pinakamahirap man, iyon ay pagkatapos manganak.

“Moms should be warned,” pahabol pa ni Sam.

Sa kasalukuyan, ginagampanan ni Sam Pinto ang karakter ni Dr. Denise, isang psychiatrist sa Eastridge Medical Hospital, sa medical drama series na “Abot-Kamay na Pangarap” ng GMA Network. Bukod dito, mayroon din siyang pinangangasiwaang resort sa Baler at clothing line.

Matatandaang noong 2021, may ipinasilip si Sam sa kaniyang Instagram account.

MAKI-BALITA: Sam Pinto, may ipinasilip sa kaniyang IG posts