Ibinida ni “Queendom Diva” Rita Daniela ang bagong bersiyon ng sarili sa kaniyang Instagram account nitong Linggo, Setyembre 17.

Makikita sa larawan ang kaniyang hitsura bilang isang drag queen. Ayon kay Rita, matagal na umano niyang pangarap na magawa ito.

“been watching drag queens for a long time, didn’t expect i would be one even just for a short time✨” saad niya sa caption ng kaniyang post.

National

OVP nagsagawa ng relief operations kahit lumipad pa-Germany si VP Sara

Ang sey pa niya: “totally game when they asked me to do this!! so happy and excited! most especially when PID won the battle with miss @annettegozonvaldes!”

Bumilib naman ang netizens sa new version na ito ni Rita. Narito ang kanilang komento sa kaniyang post:

"Mahusay!"

"Gandaaaaaaaaaa 😍❤️"

"Woooooooioiiiii bonggaaaaaaaa tlg ni @missritadaniela ❤️"

"Love it! Mommy😍💜"

"Galinggg moooo atee taaa🔥🔥🔥🔥 Grabeee kaaaa ikaw naaa whoaahhh"

"GANDAAA MOO"

Matatandaang noong nakaraang taon ay isinilang ni Rita ang kaniyang first baby sa kaniyang non-showbiz boyfriend.

MAKI-BALITA: Rita Daniela, umaming buntis: ‘Wala naman po akong balak ilihim’