Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang probinsya ng Occidental Mindoro nitong Lunes ng umaga, Setyembre 18, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 10:54 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 45 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Paluan, Occidental Mindoro, na may lalim na 58 kilometro.

Naramdaman ang Intensity III sa Puerto Galera, Oriental Mindoro.

Eleksyon

Ipe, suportado ng mag-inang Honeylet, Kitty

Naitala naman ang Instrumental Intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity II - Mamburao, Occidental Mindoro; Puerto Galera at City of Calapan, Oriental Mindoro 

Internsity I - Abra De Ilog, Occidental Mindoro; Calatagan, Batangas

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol. 

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.